Saturday, April 24, 2004

music: monica - ciudad

badtrip last two songs na lang ng ciudad sa summer shebang yung napakinggan ko sa radyo. di nga ako nagmadali pauwi kase alam kong makakapakinig ako sa phone ko pero leche nung sugarfree na nawalan siya ng battery. swerte. o well.

anyway naisip ko lang (tas naalala ko si panget nagpost ng things i miss). namimiss ko na magpunta ng mga multi-band concerts (syet kelan ba yung last ko?) yung tipong makikipagsiksikan ka para lang makapunta sa harap na harap para kapag tutugtog na yung favorite band na pinunta mo dun eh kitang-kita mo sila. keber minsan kahit tapat ka ng speakers at bingi ka na after. tas mag-stay ka lang dun the whole time kahit na magaantay ka ng mga 5-6 hours. wala ka na kaseng babalikang magandang pwesto kapag umalis ka so keber kahit naiihi ka na, nauuhaw, ang sakit na ng paa mo sa kakatayo, amoy pawis, sigarilyo minsan jutes mga katabi mo. keber. kase lahat yun wala ng epekto kapag nakita mo na sa stage at tutugtog na sa wakas yung favorite band mo na pinunta mo dun. tas magtititili ka lang at magtatalon buong set nila. sa tuwa. at keber uli kahit na 2 kanta lang sila at mas matagal pa inantay mo kesa tagal ng set nila.

:)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home