Monday, March 22, 2004

music: passenger seat - death cab for cutie

kagabi nagshoot kami interviews ng mga fans ng pba teams at players para dun sa plug na gagawin namin. as in yung mga avid fans talaga ha. nakakatuwa yung mga kwento nila. ang papassionate nila. tas ako habang pinapakinggan sila parang syetttt, i feel youuu. can relate eh no? hehehe tas ang ordinaryo ko palang uri ng fan kung ikukumpara sa iba sa kanila. hahaha! syet ang ordinaryo pala nung pagnood ko ng gig sa alabang kahit taga malabon ako o yung pagpunta ko pa din ng gig after work. panis ako! hehehehe kase yung iba sa kanila nakikipag-away, hindi na nag-aasawa, 70 years old na pumupunta pa din sa games mag-isa. etc. aaastig!

------

after the game nun sunday, one of the boys ako. nasama ako uminom nung mga dati kong officemates sa viva na nagwowork sa abc5 ngayon. tas after naggaguhan at dumaan ng qc ave at kunyari mamimick-up sila ng babae. laughtrip kase pinagpalit sila nung babae sa naka-pajero. wahahahaha! naalala ko lang dati ginawa din namin yan (ciudadboys+bodge) tas si mikey pinagalitan ng bugaw at sinigawan ng: "nahihiya ka pa dyan, eto lalaki!" hahahahahahahahahahaaaaaaaaa!

-----

at ang weirdo ng butterfly effect, mehn. pero somewhow ok siya sakin.the ending made me like it. bonus na lang na gwapo ni ashton kutcher. pero hindi siya convincing umarte.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home