music: radio guy - ciudad
wala ng mas oolats pa sa mga lagpas 4 am ka na makatulog at magising ng 7am kahit linggo at di mo kailangang magising ng 7am. argggh. that's what i call fucked up body clock!
-----
kagabi nakanood ako ng taping ng "Master Showman Presents aka "walang tulugan!" sa broadway centrum. ahahahahaha!!!
at sobra ng astig sa paningin ko si German Moreno dahil tangina nagkikikabit din siya ng mga set props etc. whoa! he is the master showman indeed! akala ko nung una madidisappoint ako kase naka-black lang siyang suit. hello?! hindi si kuya germs si kuya germs without the colorful-glittery-weird looking suits diba? pero after makabit yung set ayoon na ang pinakaaasam-asam naming makita---tangina! naka-checkered ensemble si kuya germs! woohooo! di kami nadisappoint. isama mo pa dyan syempre yung mga hirit ni kuya germs na laughtrip. one songbirds? classic! starstruck the whole night.
pero ang pinakamasaya eh nung nagtititili na kami para dun sa "artista" namin. na aliw kase pinagtitinginan kami nung mga tao dun na nagtititili para dun sa mga taga-starstruck the show. hahaha! na kutob ko eh naalarma kase di nila kilala yung tinitilian namin. naiisip siguro nila na syet dehins sila cool di sila talagang fan kase di nila kilala si jeff cabal. ahahahaha! laughtrip.
at ang pinakapanalo sa lahat---someone gave him a talent agency card after. hahaha! gwaping eh.
at kung bakit ako andun, punta kayo sa album launch ng ciudad on the 14th!!! astig!
speaking of, dapat may tugtog pa sila sa bigskymind that night pero late na masyado kaya di na rin nila tinuloy. at least may Bamboo kaming napanood hehehe :D

0 Comments:
Post a Comment
<< Home