Wednesday, October 29, 2003

music: sunday driving - rivermaya

been distracted lately at work. and it doesn't help na naggig pa ako kagabi. hehehe. salabahe. anyway, sinamahan ko kase si marilyn mag-some kind of wonderful gig sa millenia kagabi. tsaka gusto ko din bumili ng kraken modular. ayoon. i had fun kahit na olats yung mic. panira pero aliw masyado yung mga 80's costume kase ni diego cas (as larry bird with the short shorts) at ni jazz (rolled-up sleeves, t-shirt, bandana, earrings, baston maong at pointy black shoes) laughtrip.



at puchaaaa narealize ko lang na wala na at di ko na napapanood talaga ang imago kase kagabi ko lang nalaman na wala na si arvin at si myrene na nagbabass sa kanila at maingay na yung mga kanta nila. nadagdagan pa nung nakausap ko si aia nung pauwi at nagsabi siyang nalulungkot siyang madami silang kaibigan na nawala na ngayon. na madali daw kase siyang maattach sa tao kase. sobrang nakakaguilty kase wala akong maidahilan sa kanyang rason bakit di na ko nagpapakita at nakakanood sa kanila. AT alam ko kase din yung nafefeel nya kase madali din ako maattach sa mga tao at madami na ding beses akong pinalungkot ng ugali kong yan. AND i hate myself na may ginagawan pala ako ng bagay na ayaw na ayaw kong ginagawa sakin. hay. sorry :(

0 Comments:

Post a Comment

<< Home