music : coldplay - see you soon
went to tutuban and quiapo today with joanne. saya! kahit na yung dapat na pangbili ko ng contacts eh napunta na sa jacket, belt, dvds etc. eh ok lang hahahaha! makakahintay sa next sweldo ang mga mata ko. hahaha! ang sakit ng mga paa at binti ko though sa kakalakad. syet. dun sa bilihan ng pirated dvds...heaven. sana madaming-madami akong pera. astig yung nabili kong puros acoustic at b-side, rarities etc. na coldplay na cd. tama yung title nya: "best bootleg ever!" tas yung mama na nagtitinda ng dvd eh bumili ako nung okinawa rendezvous tas tinesting nya, sobra pang kinukwestyon bat yun daw ang binili ko, eh intsik daw yun, intsik daw ba ako. labo. although leche yung nabili kong akala kong puros vic zhou videos na vcd. dehins pala. ni wala nga ni isang video ni vic zhou eh puros yung tatlo. olats. buti 25 pesos lang. hehehe. tas astig yung video wall sa may mercury sa tabi ng quiapo church kapag nasa greenwich ka, parang mala-times square hahaha! wala lang.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home