Saturday, July 05, 2003

mood: tired
music: fatal posporos : million miles

pagnood ng gigs yung isang bagay na pwedeng magpapagod sakin pero never kong i-rarant. hehehe. ang saya-saya-sayaaaa! ng admit one kagabi. parang outside multi-band concert yung feel kagabi sa freedom hahaha!!! yung set ng sandwich, cambio at sugar free, sobrang enjoy! ang sarap tumalon-talon at makising-a-long tas lahat kayo alam yung mga kanta AT mind you mga bago yung tinugtog ng sandwich at sa halos lahat ng songs ng cambio kumakanta lahat pati ng sugar free! astig kaming lahat dun hehehe!

tas kasama ko mga co-no 1 fan friends hehehe sina Marilyn (no 1 fan ni raimund marasigan at eraserheads---ipinagmamalaki siya ni raimund madalas sa mga kaibigang musikero na bata palang daw si marilyn fan na nila hehehe) at Poch (no 1 fan ng fatal posporos girls!) tsaka nagpakita uli yung mascot naming kaibigan na si Roddy, kay may naloko-loko na namin kami kagabi hwahahaha! joke lang. mahal namin yun kahit hinde hehehe. idol fan ko ata yang mamang yan. hanggang ngayon nakatatak sa utak ko yung pumunta siyang baguio mag-isa kase tumugtog imago at sugar free dun. walang tatalo sa fanhood na pinakita nya nun hahahaha!!!

as usual onebighappy family vibe nung uwian na. inakap ako ni Vin sabay nakakataba ng puso mga sinabi niya. pareho sila ni Ebe. kaya mahal ko yang magkapatid na yan.

mamya sa millenia naman. hehehe. Ciudad time naman. sana may maabutan na ako this time.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home