true love always : 127 mph
busy weekend at salamat tapos na. worth it i guess, kase mega-bati ng: "good job guys!", si bossing :D
Friday - was my much awaited Toyota-Crispa game day. hwehehe. toxic level way high. not only did i lacked sleep because of the editing the day before, i went to 3 gyms! na mga iba-iba ang kinalulugaran. nagbuhat ng kahong-kahong mineral water at powerade uli. nastressed sa kulang-kulang na mga Accel supplies na para sa mga players. pucha! muntikan nanaman akong maiyak. buti na lang may hawak akong pentel pen at dun ko naibuhos ang pagkabuwisit. so ang abnoy na ng itsura nya ngayon, sa kakahagis ko sa kanya sa mga hallway with matching cursing. hehehe. i can laugh about it now kase tapos na.
pero in fairness nag-enjoy ako panoorin yung mga oldies, nawala yung lahat ng inis ko sa pagpapahirap nila sakin nung pinapanood ko na sila. hehehe.
di lang yung toyota-crispa ang ng reunion, ako din, parang kasing nag semi-reunion kami ng aking mga old lister friends. hehehe. Maan watched the game tas si Ina, nagpuntang Bigskymind! ang saya makita sila uli. pinanood ko din ng game si Owel. hehehe. speaking of bigsky, di ko na nga tinapos yung last 2 minutes ng laro kase nagtext si Poch na umpisa na yung set ng Ciudad! ayoon, 3 songs ang namiss ko :( sayang! kumpleto pa naman sila sa wakas! pero at least may naabutan pa din ako! :) ang iikli talaga ng mga kanta nila, parang kakaupo ko lang tapos na set nila kagad. hehehe. hay tinugtog nila strawberry jam uli, namiss ko na mga hello mico songs...tapos si TL, dalawang gigs ko ng nakikitang tulog. kaya parang di rin kami nagkikita hehehe.
at nga pala, ang cool nung birthday greetings' notebook na ginawa ni Carol at Luis (sugar free listers) for Ebe, as in may pictures pa every page. katuwa.
Saturday - buti nalang di na natuloy pumuntang mga practices. sa fan's day na lang sa cubao. nag-uulan. pero ang daming pumuntang tao. yehey! la masyado ginawa kundi maglakad-lakad. ayos! enjoy yung mga dance numbers ng mga team fans! laughtrip na makitang magsasayaw ang mga players! walang tatalo sa ginawa ni Ren-Ren na buhatin ala-vilma santos yung gay fan dun sa dance number ng fedex team fans. hwahahaha!!! tinapos ko nga yugn event eh, kaya ayoon, nalate din ako sa gig naman ng Boldstar sa Padi's monumento! yup! FOR THE FIRST TIME, AKO ANG MALAPIT SA GIG! hwahahaha! kakaiba. nagulat nga ako eh, as in 10:30 nasa bahay na ako. hehehe. pero kutob ko lang never na mauulit yon, nabadtrip sila sa organizers eh. pero nakita ko uli si Zarah at Bodge na namiss ko! :) olats at ang dali lang namin nakapagchikahan tho.
Sunday - All Star Game mismo. Maan and her friends tsaka sina Jeff and TL watched the game. di na ako nangarag dito, kaya ayoon, nakanood ako kasama sila :) hehehe at naenjoy ko kahit papaano yung ganda ng laro! last second shot ni Duremdes, galeng! swerte pa ni Jeff kase nakasalo ng pba t-shirt ang loko, kaya ayoon, may naiuwi siyang spin dryer hahahaha! hindi yon luto by the way. wala akong kinalaman dun hehehe. after the game, nilibre ako nun magpinsan ng sine. watched Frida and it was good! may halong stop-animation yung film bukod pa sa ang galeng ni Salma Hayek umarte at ang astig ng character ni Frida. ended the day eating at Wendy's na may badtrip counter girl at magdiskusyon tungkol sa salt at dehydration and Menk's silly haircut. lumakas yung ulan pag-uwi. parusa talaga ang baha. i wished i lived somewhere.
ayoon. that was my weekend. two days off this week. hay sarap itulog. bawi.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home