mood: tired
music: twisted halo : cut to commercial
it's a let's-piss-off-kathy-day. potahpotahpotahpotahhhhhhh.
1. nginarag ng raket boss at scriptwriter tungkol sa script the whole day.
2. di inincash ng ucpb julio vargas ang cheke
3. seiko's presence and tanginang accusations at pang-dodown nya kay bossing! that jerk! sana magka-ulcer ka sa pagkangaragin mo!
4. angasan with the scriptwriter.
5. 80 pesos internet rental! highway robbery. to think ang bagal.
6. sumakay ako ng fx papuntang katipunan na 20 pesos ang bayad, nahuli ng pulis at tanginang ibinaba ako sa riverbanks dahil di ko daw sinabi sa kanyang katipunan lang ako. to think na nagmamadali ako at makikisabay papuntang gig.
7. late na dumating sa millenia.
8. kupal waitress na walang pakundangan mambangga ng tao. pero nakaganti ako at natalisod siya sa sapatos ko. hwahahahaha!
8. walang mapwestuhang maganda, madaming tao at nangunguha ng pictures kaya di ko nanamnam ang set ng Ciudad :( mas matagal pa binyahe ko sa tagal ng set nila.
9. nagsi-uwian kaagad ang mga friends at mag-isa akong nanood ng twisted halo :(
10. pag-uwi ko sumakay ako jeep papuntang kamias, tsaka ko nalamang wala na akong barya. buong 100 pesos ang pera ko. si-yet! kinailangan kong manghingi ng piso sa katabi ko pangdagdag dun sa 3 piso na nahalukay ko sa bag. pagbaba ko anonas, sakay kagad ako jeep papuntang cubao tas tsaka ko lang naalala na wala nga pala akong barya, wala ding panukli ang driver, kaya di na lang ako pingabayad. hiyang-hiya ako pagbaba. 2 beses. mangiyak-ngiyak ako sa bus sa pagkabuwisit.
sabay umulan, pagbaba ko ng bus.
hay buhay.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home