mood: listless
music: kings of convenience : weight of my words
gloomy weather crap. listless. sarap matulog though. kaso as usual yung raket boss ko eh, ginising na naman ako by calling my cellphone at 7 am! and asked me about the matrix again. si-yet! kundi lang talaga dahil sa pagnanais kong magkaroon na ng digi-cam eh, di ako raraket! pero actually kung iisipin ko, ok na rumaraket ako ngayon kase the past few weeks after the all star weekend, feeling ko ang bagal-bagal ng lahat-lahat. gusto ko maging busy uli. madistract.
di ko naenjoy ang off ko today. hindi maganda ang gising ko. may after effects pa ng "lets-piss-off-kathy-day" kagabi. bukod sa maya't-maya din akong kinukulit tungkol sa script, shotlist etc. magkahiwalay akong kinuwentuhan ng tatay at nanay ko tungkol sa isa na namang kagaguhan na ginawa ng kapatid ko. semi pinagtanggol ko pa din ang beatch sa nanay ko. weird pero naaawa ako sa kanya. wala eh no matter how many times she makes me so mad, kapatid ko eh. nakakainis. ayaw na ayaw ko mamoblema.
gustong-gusto ko na magpagupit. pero tangina mahirap umalis ng bahay kase baha sa labas. mag-aantay pa ako ng pedicab. feeling ko kaya malapit ang kadramahan sakin recently eh dahil sa unruly at humahaba nang buhok ko. ganun ako eh, sa buhok ko isinisisi ang lahat. hehehe. labo, mehn!
*condolences nga pala kay Camille and her family. Her grandmother died yesterday :(

0 Comments:
Post a Comment
<< Home