Saturday, June 21, 2003

mood: dazed
music: cambio - guni-guni

ang dami kong ginawa the wholeday kahapon. pagod-pagod talaga ako!

nung umaga meeting on raket project. again. nung hapon nagshoot kami video materials for raket project. went around quezon city and pasig. ang inet. pero mas nakaubos ng lakas eh yung stress na nadulot ng kaba kapag nagshoshoot na kami sa loob ng mga supermarkets. syet! mga bawal kase. para kaming may gagawing di kanais-nais. tipong magnanakaw ng mga aluminun foil ng glad. yun ang feeling. hahaha! pero syempre ang kailangan talaga namin eh makunan actual shots ng mga products nung raket project na nasa store shelves.pinaka-nakakasindak eh yung sa shopwise at pinaka-chicken eh sa rustan's katipunan at sm megamall.

kaya naman pagdating ko fete dela musique sa el pueblo, medyo pagod na at mukha ng ewan. ilang oras lang ako, was close to going home. natoxican kase ako eh sa init, sa usok ng sigarilyo at sa dami ng tao. but i stayed, up to Sugar Free's set. na actually late na. dun lang ako sa rock stage nakapanood. hirap na kase makabalik pang backstage kapag lumabas ako. ok na pwesto ko dun.

whaaah! Bamboo Manalac!!! *swoon* padaan-daan lang sa harap ko. highschool memories relieved. hahaha! kaya di talaga ako lumabas dun. grabe, parang di siya tumanda. *swoon* nanghihinayang ako na di ko dinala camera ko! whaaah. he sang sunog, some original songs and araw ng kabataan. ang saya! with his usual, alis ng sapatos at pagtapon ng mic at mic stand. pucha! nag-flashback nung highschool ako. syetness! namiss ko yung boses na yun. kase naman nung nakakanood na ako gigs, nagpunta na siya states at si rico na ang frontman.

actually kahit andun lang ako sa rock stage, nakuntento na ako. napanood ko din Twisted halo (breakable!!! \m/ yeah!) Imago (heavier sounding na mga bago nila!), Cambio (glad to be hereeeee!), Itchyworms at Sugar Free! astig!

di ko na naman naabutan Boldstar :( mamaya. sana.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home