7 foot jr : pwede ba
ayos kagabi! nakita ko yung 2 kong kaibigan na ang tagal ko ng di nakikita. pag-uwi ko galing antipolo, (dun kase yung game kagabi)saw charisse sa seatle's best sa megamall. the last time i saw her was march. galing california ang loka. nilulugi nya ang PAL sa mga libre nyang trips. hehehe.
sa kafe gig naman, nagkita na kami sa wakas ni Camille! namiss ko din to' sobra. nakakapanibago yung short hair niya. tas si Owel senglot na naman at inaaya ang lahat na maging kabanda niya. hahaha! pati mag-mamanage ah, nangangausap din siya. hahaha!
badtrip lang na wala akong naabutang bandang peborits ko!!! Boldstar just finished their set pagdating ko. bumalik pa naman na si Marie from the states! yehey! madidinig ko na uli ng live ang public transpo at original version ng accident prone hehehe. ang aga din tumugtog ng Cambio at Sugar Free. speaking of...si Ebe naginvite na manood daw sa video launch nila sa Freedom on the 20th, namimiss na daw niya kami! hahaha! yung mga orig sugar free friends! grabe lang natuwa ako dun. ako din namimiss ko na parating mapanood ang Sugar Free. kaya, Joy, totohanin mo yang balak mo. wag ka lang mag-try. pumunta ka talaga ;)
at syempre may humirit na naman sakin na nakita daw nila ako sa tv nung crispa-toyota game! hahaha!
grabe! puros kids sa kafe. dati mga kaedad ko yung mga nanonood lagi eh. at hilo-hilo na naman ako umuwi and the whole time ang concern ko pauwi eh yung huwag akong matalisod o madapa etc at hindi yung mga snatcher etc sa daan. hahaha! gago ko talaga.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home