grabe lang, mahal ko talaga ang tag-ulan. tulad ngayon kakauwi ko lang. alas-tres na ng madaling araw. eh alas-diyes ako sumakay ng bus sa roxas blvd. 5 oras sa bus. eh sa lahat pa naman ng ayaw ko ang ma-stuck sa traffic. ang saya-saya ko. tas idagdag mo pa 30 minutes ako nag-antay ng ganun na biyaheng bus tas ordinary bus pa sabay yung napwestuhan ko yung saktong tinutuluan ng tubig galing sa bubong ng bus. so nababasa ako. tas naiihi na ako, masakit ang ulo ko, likod ko at nagugutom na ko. ika-2 oras palang naubos ko na yung frutella kong baon. gusto ko na umiyak sa bus.
bakit ako sa roxas blvd sumakay ng bus kanina? kase bumabagyo na't lahat nag-asikaso pa din ako nung practice nung toyota team naman sa cuneta astrodome. buti na lang this time at least kasama ko si ms. hazel. after ng all star weekend, ayoko na makakita ng tickets, ng telepono, ng mineral water, ng powerade, ng yelo, at makapag-interact pa sa makukulit na mga oldies na players na yan!
ayaw ko na. mageedit na lang ako ng videos uli. whaaaah.
at syempre hello baha na naman sa lugar namin. di ko na magawang magreklamo kase taon-taon na lang. naiimune na ako :(

0 Comments:
Post a Comment
<< Home