zwan : honestly
na-feel ko yung off ko from work this weekend. hehehe. nung friday i was finally able to buy pants tsaka magpagupit kase ang init naman lang talaga. which i have long been wanting to do. tsaka panoodin din sa wakas yung mga dvds na hiniram ko sa editing house. ang ganda ng "Hero" eh ako pa naman sucker for super slo-mo effects. panalo talaga! nakakatawa pa, nakinood din tatay ko nun tapos sabi ako ng sabi ng: "astig!" tinitignan nya lang ako everytime. hehehe. mahal ko na si Tony Leung. mapanood ko na sana talaga yung "in the mood for love". yung "Talk to Her" ang sakit sa dibdib. hehehe. about loneliness and loving unconditionally. ayoon. kakaiba yung story.
tapos earlier, nakanood ako ng sine after a long while. i feel normal. hehehe. TL and i saw "Anger Management". natawa talaga ako sa fight scene with the monk. hahaha! tapos may natutunan akong ways to calm down kapag nagiinit na ulo ko. hehehe. "i feel pretty and happy and gay..." hahaha! tapos nakakatawa din kase nakarinig ako ng iba't-ibang klase ng tawa sa loob ng sinehan. wala lang.
nung pag-uwi ko pa, astig! nakasakay ako ng kaagad sa labas ng megamall ng UE-Letre na bus na ortigas flyover na, cubao ilalim pa! parang pasko! hehehe. minsan ka lang kaseng susuwertihin na makasakto ng ganung combination hahaha!!! syempre yung makakagets lang nyan yung mga bus commuters pa-north hehehe. kase kapag yan ang bus na sinakyan mo, makakauwi ka kaagad. kase di ka mastastranded sa tapat ng galleria at ng farmers cubao ;) basta.
tapos nagstastart na yung senior producer namin! yey! kutob ko magiging normal na tao na ako by May hehehe.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home