norah jones : don't know why?
i just got home from lucena. dapat kanina pa kami nakauwi pero abnoy kase ng driver ng bus namin.
went with the Redbull team's outreach activity earlier. naguest sila sa isang earth day concert dun. ininvite sila ng mga escuderos mismo ka ayon, punta muna kami sa villa escudero nung afternoon. astig! buti na lang talaga sumama ako kahit 3hrs palang tulog ko nun at kinailangan kong gumising ng maaga (which i hate). aliw yung lunch sa may waterfalls. naalala ko yung times na binabaha yung loob ng bahay namin kapag sobrang taas ng baha sa malabon. hahaha! kase ganun itsura namin eh, nakalub-lob din sa tubig yung mga paa namin habang kumakain. totoo. di ako nag-iimbento. tas syempre, star-studded dun that day kase andun din yung ibang guests para sa concert. katulad nina gary granada, noel cabangon, joey ayala, the youth tsaka si aiza seguerra.
laughtrip kasama yung buong team. ang aabnormal at ang kukulit. sumakit tiyan namin ng mga kasama ko sa PBA marketing sa kakatawa sa mga asaran nila. parang may comedy show lagi. yun nga lang ang pinakapaborito nilang gaguhan ay yung mag-ututan sa bus. pucha talaga. tas madidisorient din mga may crush kay Enrico Villanueva o kung sino man sa team dahil barubal silang lahat hahahaha! at huwag uupo malapit kay Enrico kung gusto mong makatulog sa byahe dahil hindi siya tumitigil sa kakadaldal, kakatawa at kakakanta. hindi siya natatahimik. pramis.
after nung concert kung saan i think eh nawalan ako ng 5 pounds dahil sa pawis, diretso uwi na kami. akala ko ok na. happy-joy-joy day. eh yung driver naming tanginang kaskasero. dun pa kami dinaan sa zigzag na daan palabas ng lucena. zigzag na nga tas ang bilis niya magpaandar. 2 sasakyan lang naman po ang nahagip namin. tas dun sa malapit sa pwesto ko yung bangga. katakot. nung 2nd hit, bumuka na talaga yung gilid. tas ayaw niya pa ihinto, so may nahagip uli na tricycle. nung malayo-layo na hininto niya, sinalpak lang uli yung gilid tas andar kagad. hanggang sa nasa may los banos na kami. hinarang na ng mga pulis yung bus namin. buti na lang kamo at sa tapat ng resort. dahil sa ihing-ihi na ako nun at sobrang masakit ulo sa hilo. sobrang hassle. actually di naman ako natakot na may nabanggang sasakyan. nung pag-akyat lang ni Mick Pennisi after nyang makita yung nahagip na gilid ng bus tas hinirit nya "lucky" daw ako kase it could have been worst, dun ako natakot kase dun talaga sa may lugar ko mismo yung sira. tadong driver talaga. gusto ko na talaga murahin nun. kase after. tumatawa-tawa pa siya. na parang wala lang. kinailangan pa naming lumipat ng ibang bus na halos isang oras namin inantay na dumating. ayoon. halos 1am na kami nakabalik ng valle-verde. buti na lang may taga-navotas sa kanila at may nasabayan ako hanggang monumento.
hay pero at least for once di naman ako sa editing na-stuck na usually nangyayari sakin. hehehe. weirdo talaga.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home