Wednesday, April 09, 2003

longwave : best kept secret

yesterday was toxic. anniversary kase ng pba. the whole time paikot-ikot ako ng ultra. kase naassign sakin na icoordinate yung mga mimes at clowns. e bago yun 3hrs lang ang tulog ko kase 8am the next day na ako nakauwi from the editing. grabe, nag-overtime pa yung 1st game. pero hindi ako nainis kase una, sa wakas nakuha ko na yung cheke ko! 3 people told me they na magaganda daw yung mga songs na nilagay ko dun sa trivias ng 25 greatest players na ginawa namin. hehehe. eh mga paborito ko mga yun. ayos! tapos may mga naggreet sakin ng happy birthday at inimagine ko na lang na yung mga pagkain sa office handa ko at yung part na may cake at kumakanta yung mga tao sa buong arena ng happy birthday eh ako ang kinakantahan nila. hehehe. kawawa. la kase akong birthday party. labo. hehehe

ayoon. birthday ko today. thank you sa lahat ng mga nag-greet. lalo na sa mga nagbigay ng astig na birthday wishes hehehe. if only wishes do come true. hehehe. i feel loved. thank you friends. keep those greetings coming. lalo-lalo na kapag GIFT yan. hehehe.

mageedit ako mamya kase di ako pwede on saturday. wedding ng aking dearest tita. which means di ako makakapuntang gig ng ciudad on saturday. sayang pagkakataon ko na sana silang pakantahin ng "i cant get to you" with matching hand gestures uli kase birthday ko naman. hehehe. malas.

astig! binilan ako ng dvd player ng aking mother dearest. hehehe. at can i just say, having a 65 sms message storage capacity in your phone inbox without changing your cell number, rules!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home