narda : tanga
grabe ang panahon ngayon ang bilis makapagod ng init. buwiset ang humid. kagabi pagdating namin ni zarah sa kafe, windang na ako. eh ang alam kong lang naman na ginawa ko bago pumuntang katipunan eh: manood ng cambio sa glorietta na nakaupo naman ako the whole time, sumabay sa kotse ni ebe na magpaikot-ikot sa makati para lang makahanap ng parking sa greenbelt, nung gig naman nila sa m1 eh nakaupo din ako the whole time sa may hagdan sa stage. oo, nakatayo ako the whole time sa mrt at peste yung mga nasakyan naming jeep papuntang up at katipunan pero sa tingin ko kung normal yung panahon at di ganon ka-humid at kainit eh ok pa din sana akong makakarating kafe. pero hinde. kaya ayooon wasn't in the bestest mood kagabi. kahit na nadinig ko pa yung the herb. hehehe. it didn't help na mas matagal pa yung hinintay at tinambay namin sa labas para tumugtog na yung ciudad kesa sa tagal ng set nila :( pero sumaya ako nung kasama ako sa pinagdedicatan ni echo ng snuffy! katuwa. naalala pa din niyang paborito ko yun. astig ka echo! salamat. at dun sa sinabi ni anna (peramide) sakin na kung ano pinagkaiba ko sa mga nanonood ng mga banda. hahaha! pero pinakanagpasaya talaga sakin eh yung nag-ala adam sandler si justin sa kotse nung may nang-angas na mama sa kanya nung hinatid nila ako hanggang cubao. hahahaha! na malamang pagbaba ko eh, pinagalitan siya ni bodge. hehehe.
p.s. ang ganda ng "swerte" ep ng Narda!!! syet. salamat kay ai. mahal ko yung "tanga" - "akala ko lang pala. ako lang talaga. ang nagpapaikot sa buhay kong malungkot..." syet.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home