Sunday, March 30, 2003

narda : swerte

my ex-officemates (now all work for NBN) and i had our usual after the game chikahan/dinner earlier. sumama din yung isa nilang gay officemate na chika ko na din. grabe! nagtawanan lang kaming tatlo nina joanne the whole time sa mga jokes na kami lang 3 ang nakakagets. ang labo namin kase nagkakatinginan lang kami sabay hahalaklak na lang kami kagad. parang mga baliw. namiss ko tuloy si fulgencio. barkada ko nung college na ngayo'y isa ng full-blown stereotypical gay na sa abs-cbn. working sa the buzz! hehehe.

gusto ko lang sabihin na ang saya tumawa ng malakas! yung tipong may sound tas halos maluha at maihi at sumakit ang tiyan mo sa kakatawa. ang sarap-sarap. sobrang nakakagaan ng loob. buti na lang pumunta akong game kanina. nadistract ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home