mighty man and yuk : meroove
went to mayric's earlier. lolit solid. first time ng ciudad masama sa line-up. badtrip lang bago ako umalis ng bahay. nanermon pa muna si inay. told me the same old biased and judgemental hirits nya about me going home late tsaka sa mga banda-banda. mas ok pa manermon tatay ko eh, siya talaga ang labo ng mga hirit. sobrang judgemental at ewan ko kung saan nya nakukuha. example: "..yang pagalis-alis mo ng gabi pangmayaman lang yan eh.." ang labo diba? pero syempre walang tatalo sa hirit nya sakin dati: "..bakit kahit madaling araw ka na umuwi nakakapagcomputer ka pa. nageecstasy ka no?.." LOL. pero syempre nun sinabi nya yan sakin di ako natawa sa kanya. nainis ako. nambibintang na kase siya.
nakakainis. alam kong kaya siya nanermon kase nabadtrip siya sa tatay ko at di sila nakapagwholesale shopping (fyi: kasiyahan sa buhay ng nanay ko ay ang pagshoshopping sa mga wholesale supermarkets tulad ng makro, pure gold, shop wise etc.). nangunsensya at nanakot. style nya yan. hindi ka niya babawalan umalis pero ang dami nyang ihihirit sayo. parang sakin eh, wag nyo akong payagan kung ayaw nyo akong umalis. kaya di rin tumatalab yung style nila na yun eh. umalis pa din ako. tsaka matanda na ako eh. although muntikan ng manalo nanay ko kanina at after ko magsimba uuwi na lang sana ako. pagbibigyan ko na siya. pero hinde pa din eh. naisip ko na isang linggong puros basketball na naman ang makikita ko at kelan ba magkakagig ciudad uli? so ayoon nagpunta pa din ako gig. hehehe. salbaheng anak na ata ako? nahhh. i don't think so.
ang konti ng tao sa lolit solid kanina. nakanood ako ng twisted halo. malapit na din pala lumabas full length album nila. yay! baka daw june. yung set ng sugar free laughtrip! ang kulet ni ebe at nung nagjam si justin ciudad di na siya tumigil sa kakahirit ng like i love you ni justin timberlake with matching dance steps pa. pucha nakakatawa. mukha siyang gago. hehehe. tapos nakulit ko na naman silang tugtugin "kwentuhan" na sabi ni ebe baka last time na nila tugtugin kase daw baka maluma na siya di pa nalalabs yung 2nd album. kalungkot. oh no. tapos sumunod sa kanila ciudad. tatlo lang sila. absent si jeff so kulang ng tunog nila. halata lalo na sa dance lessons at dessie belle. pero oks lang. ok pa din naman tunog nila. at masaya nakita ko uli si Gay ni Mikey! :D
dahil sa sermon umuwi din ako kagad after ciudad. i took it upon my self to at least umuwi ng maaga-aga this time. hay weekend's over :(

0 Comments:
Post a Comment
<< Home