Wednesday, March 26, 2003

daydream cycle : indica

last night sa game ang daming ginawa. ang hirap magkumbinsi ng mga tao na magsalita infront of the camera. kaya mabuhay ang mga game na game na badingerpbafans! hehehe. the best kayo! tas ang humid. kaya lagkit ng feeling kahit na may aircon. buwiset. la pa maayos na maupuan kundi yung hagdan dun sa lecheng makati coliseum. pero ang nagpasakit ng ulo ko talaga eh yung maipit sa gitna. hindi literally though. maipit sa gitna ng mga kwento ng mga kaibigan at boss mo na mga nagkakairingan. ang hirap. lalo na pag pareho mo ng narinig yung both sides at pareho silang may sense at alam mong ang solution lang naman talaga eh, magusap sila. pero alam mong malabo kase alam mo na..pride. hay nakow. ilang beses na ba akong nalagay sa ganitong sitwasyon?

ahhh. ayaw ko makidagdag gulo. so i'm keeping my mouth shut sa mga kwento-kwento. kase dyan lumalaki ang gulo sa mga kwento-kwento ng mga taong kinuwentuhan. hay. akala ko pag-alis ko sa viva malalayo na din ako sa mundo ng office chismis at intriga. hindi din pala. o well.

kaya ako, may diversion. para di ako mahawa sa sistema. mahirap na umiikot lang yung mundo sa trabaho. mabilis makaiba ng ugali.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home