true love always : i can only see you smile
i just got home at potangina lang talaga ang toxic ng byahe ko.
7am na kami natapos editing kanina, afterwhich di muna ako dumiretso uwi at pumunta akong makati to finally get my cheques encashed kase wala na talaga akong pera! keber kahit ung suot ko, kahapon pa at di pa ako natutulog. so ayooon, after ko hagilapin ang lecehng BPI paseo/bel air, nakuha ko na pera ko. masaya na ako. kahit lagkit-lagkit na ako sa init. pagtapos naisip ko na din kunin yung package ko sa post office malapit samin. mrt-bus. nung malapit na ako as in malapit na sa post office put---------tsaka ko lang nalaman na naiwan ko ang mga IDs ko sa banko sa makati! whaaaahhhhh eh nasa caloocan na ako nun. muntik na akong maiyak. uwing-uwi na kase talaga ako. gusto ko ngang pabayaan na lang yung mga IDs na yun dun kaso lang kailangan ko mga yun to get my package tsaka yun na lang ang mga IDs ko, na sobrang kailangan. kaya wala akong choice but to go back to fucking makati just to get those fucking IDs. ayoon parang dejavu lahat. replay. mrt buendia-jeep-lakad-taxi-mrt north ave-bus. mukha akong gago. kumain na lang ako ng ice cream para lumamig ulo ko. syet. nakuha ko naman kaagad yung IDs though. tangina kase di sakin binalik ng teller. chismis ever kase eh. argh. tanga ko din at di ko naalala---kaagad!
pauwi akala ko ok na. kahit talagang pagod-pagod na ako, masakit ang ulo, inaantok, nagugutom at naglalagkit. pero hinde pa pala. nahuli ng pulis yung sinakyan kong bus sa north. so bumaba pa ako uli, naghanap ng iba. ang nasakayan ko naman, bukod sa puno eh ang hina ng aircon. ang inet! at pinakapasakit talaga eh ang TRAFFIC!!! potapotapotapota. tinext pa ako ni bossing kung pwede daw ba akong pumunta ng game sa makati. nangiyak-ngiyak na ako sa bus. pramis. gusto ko na nun bumaba sa bus at magpasagasa na sa edsa. kaso lang sa sobrang traffic walang gumagalaw na sasakyan.
i wasted 7 hours sa pag-byahe na dapat tinutulog ko na. hay buhay.
pero ok na ako ngayon. nasa bahay na ako. hindi na ako kailangang pumunta ng game ngayon sa makati coliseum at nakuha ko na din, finally yung bagong album ng True Love Always---"clouds" na trade sakin ni alexis. yeheyyyy! pinapakinggan ko siya at hindi na ako badtrip. hehehe
ang abnormal ko talaga.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home