the mongols : NO / cambio : patlang
Nag-UP Fair uli ako kagabi at sobra siyang sulit. tame ang tao, pero wala akong pakialam actually sa crowd. kahit NR sila sa mga paborito kong banda kase mga bago tinugtog. sobra akong nasiyahan kase napanood ko yung mga gusto ko talagang mapanood. at gusto ko lang sabihin na ANG GALENG NG THE MONGOLS at CAMBIO. pucha! im a big Eraserheads fan, at malungkot ako na wala na talaga sila pero astig naman ng 2 bandang pumalit. ASTEEEEEG!!! yung The Mongols, actually nadinig ko na sila sa LSfm tsaka sa MYX concert sa TV dati, pero kagabi talaga ako humanga hehehe. shoegazy sila tapos isama mo yung astig na songwriting ni Ely. wagi! members: 2/5 ng daydream cycle (sina bogs at jerome) tsaka si yan yuzon. favorite ko ng bago yung "NO" ang ganda! at si Ely Buendia, bumata at mukhang refreshed. bumalik pagka-1st yr highschool ko kagabi at naging ELYista uli! hehehehe. hay. yun naman Cambio first time ko napanood sa admit one anniversary. members: raimund, buddy, tapos sina kris gorra, ebe dancel at si diego mapa. at alam mo yung kapag napanood kang gustong-gusto mo? nangingiti ako mag-isa hearing their songs. ang gaganda. ang ganda-ganda kapag nagbeblending ng boses sina kris, ebe at diego. bastaaaaaa. tapos bago kong paborito naman yugn "patlang".
syet. give me these bands' eps!!! hehehe. yung sa the mongols daw sa summer lalabas at sa FLIP magazine daw i-lalabas. yey! yung sa Cambio mga april naman. pero baka makuha ako ng demo kahit 5 kanta lang. wag kayong maingay hehehe. asteeeeg!
p.s. ma-tension sa backstage. hahaha! at para siyang isang malaking reunion ng mga taong may mga nakaraan. good and bad. hahahaha! ;p chismis.
p.p.s. napanood ko din nga pala kagabi Sugar Free, Imago, Sandwich (si marc abaya naka-makeup. di ko gets. labo) at Twisted Halo (astig ni vin! wala ng boses at lahat pero kanta pa din.) yey! at may bago akong banda na nagustuhan that night---Bloomfield name nila. mga bata pa pero ok sila! indie rock! yeah! at yung vocalist, aliw! batang version ni Martin ng MightyMan and Yuk. hehehe. sobrang mahiyain di maintindihan yung sinasabi nya kapag binabanggit nya yung title ng mga tutugtugin nila. hahaha!!!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home