itchyworms : find and seek
mag-2 linggo pa lang ako sa trabaho ko, natotoxican na ako. kagabi lang ako nakauwi since nagedit nung 3pm nung tuesday. ganyan din kami nung saturday at sunday. pero tiis lang i think sa umpisa lang to at kase nagiipon pa kami ng features. sana. tapos mamya mageedit na naman pero naawa na ata yung bossing namin samin at magdudugtong-dugtong lang kami ng mga nagawa na namin at magrereplay.
pero kagabi kahit toxic-toxic ako pagpunta sa game, natuwa talaga ako. kase ba naman napatugtog sa buong ULTRA puros Ciudad at Boldstar songs! bwahahaha! ang saya-saya! at si mimi at ako ang salarin. hahaha!!! sa wakas may nadinig na iba ang pba audiences bukod the usual RnB songs na pinapatugtog noon ng spinner. bwahahahaha!!! saya-saya talaga! ginamit kase namin mga kanta nila sa mga features. may isa nga kaming feature sa mga team muses na once per timeout pinapakita, strawberry jam ang ginamit namin, na may mas mahaba pang version na pinakita nung halftime na as in buong kanta. paulit-ulit na strawberry jam ang nadinig nila. hahaha!!!
lalo na yung boom desire na ginagamit naming bed music sa 3 na features ata tapos pati ng PBA all filipino conference t-card! astig! matindi pa nga may niloop kaming "Ito ang Game" ko logo nung 1st game halftime ng 3 minutes at boom desire ang background music. hahaha!!! isang buong kanta tapos sobra pa.
wala lang. ang saya na i can do that.
pero syet gustong-gustong-gustong-gusto ko na makanood ng gig! 2 linggo nang puros basketball players ang nakikita ko at yung tanginang jologs na pba ito ang game song song na lang ang nadidinig ko. nakakatuyo ng utak. buti na nga lang may mga kaibigang pumunta nung editing nung tuesday nakakita ko ng ibang tao bukod kay mimi, sa editor namin tsaka mga taga-pba. thank you talaga. hehehe. sana sabado naaaaaa.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home