elton john: tiny dancer
hay epekto ng nasa bahay lang. kakanood ko ng MTV at MYX, nagiging bem na sa paningin ko si Justin Timberlake. *hay* ang galing niya sumayaw "..sing that song with me. ain't nobody love you like I love you..." hahaha!!! tapos kanina ko lang napanood ng buo yung sixth sense. kawawa. hehehe. at pinanood ko uli for the nth time yung almost famous. syet. favorite line:
sapphire to russell: "..look at those girls. they don't even know what it is to be a fan. how to truly love some silly piece of music or some band so much that it hurts..."
tsaka nakanood ako kahapon ng documentary sa HBO tungkol sa mga professional wrestlers. may scene na pinakita dun na pinapanood ng anak at asawa niya si mick foley (si mankind sa WWF, remember?) sa isang live match habang hinahampas-hampas siya ni the rock ng upuan at sobra siyang duguan. pucha! nagiiyakan yung mag-ina nya. ang sakit sa dibdib. hehehe. yeah, yeah i know scripted ang professional wrestling pero totoo yung dugo at tunay yung mga sugat niya. pucha! ang laki nung hiwa niya sa bumbunan pinakita. at ang traumatic kayang makita mo tatay mo kinakawawa sa ring tapos talo pa. anyway patapos pinakita sa kanya yung reaction ng pamilya niya nung time na yun at nainis siya sa sarili niya for doing that to his family and other blah blah blah...ayooon. may WWF pa ba?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home