elliot smith : i better be quiet now
ok na uli ako at nakanood na ako uli ng gig. hehehe. went to up fair last night. akala ko di pa magulo kase monday palang yun at di naman ganun kaiingay yung mga nasa lineup (although nasa lineup ang cheese at greyhoundz puros mga ala showband nga yung mga banda nung umpisa eh tumugtog pa yung overrrated na soloist na mas maganda pa yung boses ni ebe hehehe ;p ). pero oo nga pala up fair yun so di na ako nagulat nung may dinalang duguan (yung bassist ng cheese) sa backstage at nasapak daw sa moshpit. at guess what kung kelan nag-umpisang may nag-away? nung set ng sugar free habang tinutugtog nila ang telepono hahahaha!!! mga gago talaga. medyo sinisisi pa nga ni ebe yung sarili nya na dapat di na lang nila tinuloy yung set nila kase nga may nag-away na. sabi ko di nila kasalanan yun. mga ugok yung nagmomoshpit nun eh. malalaki na mga yun.
yeah! up fair na nga. hehehe.
kaso lang badtrip sana mapapanood ko na banda nina debbie yung wild mood swings kaso lang umepal yung isang manager ng mga sikat na banda. na-bully sila. kahit na nakaset-up na sila, pinababa sila. pota! kawawa nga eh. hirap kapag puros babae kayo tapos wala kayong manager na angas. kawawa lalo yung ibang bandang di kilala kagabi tapos ang aga andun kase nakita ko yung line-up sked, parang yung mga tumugtog na eh, sa hulihan pa ng sked dapat tutugtog. hay naku! kaya ayoon di na rin tumugtog sina debbie at nagkakagulo na nga. may pulis pa sa backstage dahil nga dun sa nangyaring sapakan sa moshpit. paglabas namin nagmumura yung naka-sapakan nung taga-cheese.
sayang din di ko napanood ladybedspacers. kaya nga din ako pumunta dun eh. di ko alam though kung tumugtog pa din sila.
pero masaya, kase nakita ko naman ang barkadang childstars (shine, joan, judith, denise tsaka si pench! na matagal ko ng di nakikita!) hehehe. masaya kausap yung mga yun eh. hehehe at nanlibre si anne ng paborito kong popsicle yung lemonade. sarap. hehehe!
sana sa wednesday makapunta din ako--syet! cambio at the mongols in one event. hehehehe. masaya yun ;p

0 Comments:
Post a Comment
<< Home