built to spill : in the morning
very serendipitous day kahapon. hehehe. weird.
case 1: the meeting
rest day ko kahapon at dapat di talaga ako aalis ng bahay, kaso i needed to kase kukunin ko yung talent fee ko sa open house raket ko sa makati. yun lang talaga ang balak ko for the day, pero what do you know? nagpatawag ng meeting si bossing na dapat early morning today na naurong to last night kase nasa labas nanaman ako. hehehe. nakaligtas sa maagang paggising for a meeting.
case 2 : the adidas sneakers
yung pinaglalawayan kong adidas sneakers ay matagal ko ng kinalimutan kase naman naghanap na ko kung saan-saang adidas outlets mula powerplant hanggang sm north pero wala akong size ko na mahanap. puros malalaki sakin. yung smallest size ng male sobrang luwag sakin. wala atang female size ng ganung color. ayooon. actually kinalimutan ko na pagbili sakanya at yung pera na dapat alotted ko dun eh ubos na siya ngayon hahaha!!! pero kahapon accidentally naligaw ako sa may adidas part ng cinderella, na kaya lang ako napadpad dun kase sa tower ako pupunta, at wala akong kabalak-balak bumili ng sapatos pero what do you know? nakita ko uli yung sneakers at for fun tinignan ko lang siya uli, wala lang. kahit alam kong for sure big size na naman siya. pero pucha! pagtingin ko maliit yung size!!! tapos sinukat ko, hehehe. sakto. ayooooon. last size na daw yun at discounted pa ang price. syet. ngayon di na ako kakain for the next couple of days. just because i cave in sa aking luho. hahaha!!!
case 3 : the bus ride
eto ang pinakamatindi. nakasakay ko sa bus sina TL at Jeff kagabi! pucha. sobrang weird nun (ang ingay nga namin sa bus, syempre pinagtinginan kami hehehe) una, di yung ang bus na sinasakyan ko pauwi. kaya lang ako nasakay dun kase last minute namin napagusapan nung officemate ko na magdigitize na kagabi para sa editing namin today sa katipunan na ang nakakapagtaka di ako tumanging samahan siya to think sobra ko ng gusto umuwi nun. pangalawa, ang daming bus nun sa harapan namin pero dun kami sumakay. hehehe. ang weird talaga pero ang galeng!
* tapos eto pa, yesterday was the only time na iniwan ko yung address bag (mahabang explanation) ko bahay pero weird uli na saktong ang daming nagtext sakin at humingi ng mga number ng sino-sino na yung mga number ay naandun sa bag ko na yun. labo.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home