aden : new 3-4
i hate my weekend. masaya ako na konting oras ng lang matutulog na ako tapos monday na, hindi na weekend. hay. ewan ko ba, madali na akong malungkot ngayon. pero salamat sa libro ni Bob Ong yung "A B N K K B S N P L A K o?!" kahit na nagmukha akong baliw sa mga katabi ko sa sopa at mga nadadaan sa harap ko kanina sa Powerbooks kase tumatawa ako mag-isa. may mga hirit ngang gusto-gusto ko na talagang tumawa ng malakas kaso hindi pwede kase mag-isa lang ako. hehehe. abnormal na ang labas ko nun. tinatakpan ko na lang ng panyo yung bibig ko kapag natatawa na talaga ako.
actually sa pagkabad mood ko, nagpagupit ako pag-uwi. gawain ko yan eh. feeling ko kase yung wavy at unruly hair ko ang sumasagap ng bad vibes kaya ako nalulungkot na lang. hehehe. labo. ayooon maikling-maikli na naman buhok ko. pero ok lang pag-uwi ko nakasalubong ko yung kaklase kong babae nung highschool. tapos sabi nya sakin, gumanda daw ako. hahaha! nyek. dati pala pangit ako sa paningin nya. hehehe.
gusto ko magparty sa birthday ko.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home