Wednesday, January 08, 2003

sugar free : los banos

last monday i went to batangas with some of my officemates. college pa lang kami pinipilit na ako ni joanne na pumunta sa kanila. ngayon lang ako nakarating sa kanila. highlight of the trip was the late night swimming. pucha! mula 8 hanggang 1 am hehehe. tindi. kahit malamig. para kaming nasa private pool dun sa resort. walang mga tao. the best mga kwentuhan beside the pool. hahaha!!! mga bokya sa pag-ibig palaehhh. ang sarap mag-slides. yeah! tangina kung di lang nakakapagod umakyat ng umakyat. hahaha!!! slides. slides. slides.

puchaaaaa!!!! album launch na ng Sugar Free sa 25. sana 25 na. tangina. kasehodang bumaha sa labas namin (na wag naman sana), pupunta ako. nadinig ko uli yung ilang songs last sunday sa in the raw. naexcite na naman ako. argh. 2 years ako naghintay ng album. syet. tiniis ko na wag hiramin kay Mitch yung copy nya ng album. argh. ang tagal ng two weeks for the album to come out. whaaah. pero thank you. may pagkakaabalahan ako at may hinihintay habang ako'y walang trabaho.

discovered Sugar Free december 2000. si Joy nun lagi silang kinukwento sakin. first heard telepono when Ciudad played it sa hang the dj guesting nila sa NU, akala ko pa nun sideband ni ely buendia hehehe, tapos si Ebe active member nun ng mailing list ng Ciudad sa listbot tapos ininvite niya ako sa e-groups nila. tapos ayoon. first time ko sila napanood ng live sa 70's bistro, first ever bar gig din na napuntahan ko yun. kasama nila rivermaya. hehehe. tapos si rhecel pinahiram ako ng demo nila. tapos parati ko na sila napapanood. tapos mahal ko na din silang banda. acoustic pa nun mariposa. si candice pa manager. guitarista pa nila si rico blanco. active pa mag-mailing list tsaka manood-nood ng gigs nun si joy ;p hay. those were the days hehehe. hay album na din, sa wakas!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home