Wednesday, January 29, 2003

sugar free: insomnya

good day yesterday. i got my separation pay which wasn't much but still buti may nakuha ako tapos nakuha ko na din payment ko dun sa jolas tribute video. yay! yung other half na lang ng payment sa phil star avp ang di ko pa nakukuha. damn them. next week pa daw. syet. now i have money sobra naman akong naghehesitate to buy those damn addidas sneakers na pinaglalawayan ko last week. ang kuripot ko talaga! i hate myself. hehehe. good day din kahapon kase kinausap kami nung exec producer namin dati sa viva, (who now works sa creatives ng PBA) and she's offering us (3 kami) a job (production team na gagawa ng mga in-venue ads tsaka features ng pba) kaso lang nga it depends sa desisyon ng board kung bibigyan na siya ng go-signal. syet. sana matuloy. gayahin ko kaya yung sinabi ni Bodge na nabasa niya sa dilbert book? isusulat ko siya sa papel araw-araw for 15 days. hahaha! gusto ko sa pba na mismo magwork eh. kahit contractual lang yun for the whole season, mga 10 months. mukha naman siyang ok pati yung sweldo. anyway, ako muna isipan yan baka ma-jinx o kaya naman katulad ng madadalas nangyayari sakin puros false hopes. ayoon.

anyway hirit ko lang na natatawa ako kapag when a guy gets giddy over a girl. hahaha!!! wala lang. parang dapat babae lang ganun eh hahaha!!! kase kahapon nakita ko yung dati kong officemate, before kami nagkahiwahiwalay, kaka-break up lang sa kanya ng gf niya. as in jan. 1 tapos i saw him yesterday at nagkwento na he's seeing someone new now, tapos kita mo talaga na excited siya at kinikilig na magkwento pati ipakita yung picture nung girl. hahaha!! alala ko lang yung isa ko ding friend na hinampas-hampas ako at kinurot nung kinausap siya ng crush niya on our way out from a gig tas sinabing ang ganda daw ng set nila. ung isa naman nilibre pa ako ng entrance ng isang gig para samahan lang siya to see his rockstar crush. hahaha!! tapos may napanood akong concert dati na ang mamaton ng mga lalake mahilig sa hardcore tapos kinilig nung tumugtog na barbie's cradle. hahaha!!! parang mga babae. nakakaaliw.

may isa pa pala akong kwento na nakalimutan kong ikwento. nung saturday paguwi ko after the sugarfree launch, lumagpas ako ng binabaan sa bus! nakarating lang naman po ako ng malanday, bulacan! hahaha!!! damn! after eden book. ang ganda kase eh. di ko nalamayan. tapos nung sinita ako nung konduktor na last stop na nila, di ko pa namalayan na ako na lang pala pasahero tapos kinuwestiyon ko pa siya na sa malinta ako baba, pinagtawan nila ako ng driver kase nga nasa malanday na kami. shit. alam ko yung lugar though kaso lang, sumakay pa uli ako ng jeep pabalik. buwisit. wala lang. spaced out palaehhhh.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home