Thursday, January 16, 2003

john mayer : love song for no one

interesting day. nung umaga, went with our director to shoot additional video materials for the avp we're doing. walked around ayala avenue to shoot footages of yuppies, AB crowd tsaka mga newspaper vendors. wala kami permit, eh mahigpit diba sa makati, so mga nakaw shots lang lahat. hehehe. bumped into Quark sa greenbelt 3 at syet buti di ko nakita yung sneakers. hehehe. hay. tapos earlier paguwi, sinabay ako ng production manager namin sa taxi, aliw nung nasakyan namin!!! pucha! mega-trying hard na ingglesero yung mamang driver. nakakatawa. kase ang hilig nyang mag "ass-hole", dumb etc. laughtrip. kwento pa nya samin na they usually hang-out sa may starbucks sa 6750 na mga drivers kase dun sila tinetext nung mga suki nilang pasaherong gumigimmick around the area. sa makati lang daw kami makakakita ng taxi drivers na taga bel-air, forbes etc. siya daw taga-san antonio village. tapos malalaman naman daw namin kung taga-makati yung taxi driver, nasa itsura daw yun, pati ng mga sasakyan na para daw race car. eh sa mrt kase ako baba, so tinanong nya ako kung taga-qc ba daw ako, sabi ko--malabon. aba! astig siya kase alam nya malabon, marami daw siya friends na taga dun at mga taga-malabon daw yung mga ka-hangout nila sa starbucks, tuwa daw siya sa mga taga dun kase mga low profile itsura pero sila yung mapera. hahahaha!!! AT mind you, mga kilala nya sa malabon, yung mga may-ari ng gasoline station at lugawan na sikat sa lugar namin. astig talaga nung mama. hahahaha!!! kakaiba. ang lakas ng tama sa ulo. aliw!

tapos last night. ako'y naging dakilang third wheel sa 2 couples. una dun sa production manager ko tsaka boyfriend nya na lagi siyang sinusundo. actually halos 1 week na akong sumasabit sa kanila pag pauwi. nahihiya na nga ako eh. ok silang kasama kaso lang nakakahiya na sa kanila na sabit ako lagi sa kanila maglibot sa mall tsaka magdinner after work. dapat parang date nilang dalawa yung time na yun eh. so kagabi, nung nalaman kong andun din sa glorietta si Charisse, natuwa ako na sa wakas maiiwan ko na silang 2 lang na magkasama. pero nung nagmeet kami ni Charisse, kasama niya yung "almost" boyfriend niya. third wheel na naman ako. hahaha!!! walang ligtas. ayooon. masyadong napagdidiinan sakin na wala akong boyfriend. hahaha!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home