Friday, January 24, 2003

death cab for cutie : this charming man

kagabi nag-video research ako ng mga past games tsaka mga features kay jojo lastimosa. nakakatawa lang, nakita ko nanaman si dondon amplayo, dante gonzalgo, rudy distrito, bata pa si coach leo isaac tsaka si mamaril! astig! circa 88 to early 90's. hahaha!!! wala lang nakakatawa. flashback elementary days. tapos jaworski, gordon's gin team, alaska grandslam---flashback highschool days naman! hehehe. as in fan na fan ako ng PBA nun higschool ako, lalo na ng Alaska as in umiiyak ako kapag natatalo sila, alam ko team at individual stats nila pati pangalan ng practice players ng team! hehehe. tapos nung 2001 tinrade nila sina johnny abarrientos, edward juinio tsaka si bong hawkins. tangina nabadtrip ako sa team! kulang na lang nun sulatan ko ng hate mail sina joaqui trillo tsaka si uytengsu. hahaha! kaya ayooon after nun nawalan na ako ng gana sa team pati manood ng games. although nanonood pa din ako minsan, pero di na ganun ka-fanatic. tapos nung hindi na ako fanatic tsaka ako nakapag-work sa pba coverage. ang labo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home