Saturday, January 18, 2003

Coldplay : God Put A Smile Upon Your Face

ang saya kanina. nung tanghali napanood ko sa myx presents concert ng Coldplay. happy! happy! joy! joy! (magpapakasal na daw si gwyneth paltrow tsaka si Cris Martin. syet. ang swerte ni gwyneth. argh. kakantahan siya lagi ni Cris tapos gagawan ng mga kanta. pucha. maswerte. asar. hehehe) tapos ang aga ko nakaalis dun sa editing so pumunta ako glorietta, nakabili ako magazine sa booksale may article sa Death Cab for Cutie tapos may free pang cd sampler ang alam 17 tracks may song death cab, pati hey mercedes tsaka kings of convenience!!! swerte. 70 pesos. maaga pa at ayaw ko pang umuwi kaya dapat punta pa ako megamall at dahil sa gusto ko na talaga mapanood LOTR, manonood na talaga ako kahit mag-isa ng...nakasalubong ko si marilyn! hahaha! ayus! nakakuha ako ng instant sine buddy kanina. ayooon. nung papunta na kami glorietta uli after ko siyang samahan sa greenbelt, nakasalubong ko naman 3 kong college classmates!!! hahaha!! (last night naman si charisse na college friend ko din, ang kasama ko namang nanood ng the Ring hollywood version) parang reunion palaehhh. wala lang aliw. ultimo si anna (manager twisted halo) nakasalubong ko din dun. syet. ang gandagandaganda-galenggalenggaleng ng LOTR! wala na ako masabi. i love sam. tsaka yung mga close-up shots ni frodo. hehehe. walang kwenta post ko. pero keber. hehehe. gig. gusto ko makanood ng gig. na sana may ciudad. excited na ako sa album launch ng sugar free. sana next saturday na. hehehe ang labo. sana matuloy next raket ko. yey! sana madaming budget si mrs. lastimosa. ang sarap ng hangin paggabi. parang may malaking aircon sa labas. kahit wala. hehehe. ayus!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home