Thursday, December 26, 2002

twisted halo: GROHL ON ME!

natapos na yung pba finals kagabi. ang lungkot pauwi. nagiiyakan lahat ng mga babae kong officemates. ako lang hindi naiyak. eh sa hindi ako maiyak eh. ewan ko ba. para ngang baliw eh bago sila bumalik ng production room sa araneta, ang saya-saya nilang nangungulit sa harap ng camera nung closing credits. nainis pa nga ako na di ako nakasama at na-stuck ako dun sa pressroom, waiting for the damn! finals mvp awarding na ang puchang tagal. anyway ayun pagbalik ko ng room, nagiiyakan na sila lahat. ako lang hindi. akala nila astigin ako masyado. na hindi naman totoo. iyakin nga ako eh. sa hindi lang ako maiyak nung time na yun. nainis nga ako sa sarili ko na ang kj ko nun. mabagal lang talaga mag-sink in sakin yung mga bagay-bagay tsaka nasanay na masyado na magpigil ng iyak kaya minsan kahit gusto ko na umiyak di ako maiyak. ayoon. 7 days to go before i become unemployed again. pagbalik nung office, tinanggal ko na yung mga nakadikit sa overhead cabinet ko. inuwi ko na din yung mga iba kong gamit. syet. ang lungkot masyado. ah ewan. hay. office outing namin bukas sa enchanted kingdom. ok panglabas ng sama ng loob. pwedeng-pwede isigaw sa mga rides. hahahaha!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home