pin-up girls : di ko alam
natatawa na lang ako ngayon. pinagbantay muna ako ng sari-sari store namin kanina. tapos may babae, medyo gusgusin (na dati namin kapit bahay) ang nagiiyak/nagsisigaw/nagmumura sa tapat ng tindahan namin. akala ko kung sino kaaway. di ko pinansin kahit istorbo siya't nanonood ako nba sa tv, at baka inaaway siya ng asawa niya o anoman. tapos after awhile nawala, tapos bumalik, bumili sakin ng medicol. tinanong pa nga ako kung ako ba daw si kathy (kilala nya ako kase nga kapitbahay namin dati yun) sabi ko oo, ok pa siya kausap eh, nageenglish pa nga etc. nung binigay ko na sukli. aba hiniritan ako ng pabalang:
weirdo: kwatro medicol nyo? aba'y ang mahal naman..ang laki nyo naman tumubo. sa mercury magkano lang yan...(tapos my hirit pa siyang iba eh)
dun ako naiinis sa hirit na yun so sabi ko:
me: aba eh, di ako nagpepresyo dyan. bakit magkano ba sa mercury?
weirdo: mga 1.50 lang siguro
me: eh di dun ka bumili.
weirdo: aba, namimilosopo ka pa sakin. eh sinasabi ko lang naman...
me: eh iba yung pagkasabi mo eh, di naman kita pinilit na bumili samin. dun ka bumili kung gusto mo.
tapos may mga sinabi pa siya na di ko na maalala exact words nya----sa madaling salita, nagsagutan kami. semi-pinatulan ko.
at dun ko narealize na "baliw" na pala siya, kase may mga bata din na nakakumpol sa may bench sa tinadahan namin tapos kinakausap-kausap nya sabay tatawa siya....tapos pinagtatawanan din siya (may binasa nga siya ng ice tubig na hawak-hawak niya eh, naiinis siya ata dun)
tapos may bumili ng iba so di ko na nabalikan ng hirit. habang may binebentahan ako hirit na siya ng hirit na patungkol sakin, na kesyo nung bata daw ako ok yung itsura ko nung lumaki daw ako pumanget na ako etc. potangina. hahahaha!!! pasalamat talaga siya at baliw siya. basta madami pa siyang pinagsasabi na di ko na maintindihan at di ko na iniintindi...nanood na lang ako uli ng tv. kase nga baliw na pala talaga siya. hanggang sa iba naman mga pinagsasabi niya na ramdom ewan kesyo aalagaaan daw siya , naglalactum-lactum ka pa niloloko mo lang ako...etc.
nakakatawa na nakakaawa. kase naalala ko dati yun na maayos itsura. sa ibang lugar na siya nakatira alam ko eh. tagal ko ng di nakikita yun. kaya nga nagulat ako na bumalik na ganyan na. siya pa naman pinakamatino sa pamilya nila nun as in nakapag-aral, ok mag-ayos, magsalita etc. tapos nagkaganyan na siya ngayon. kawawa mga anak niya. nasa lahi daw kase. may kapatid din siyang kilala na buang-buang samin. pero di na din nakatira sa lugar namin ngayon.
tapos dumating na nanay ko kinuwento ko nangyari, pinagtawanan lang ako. mas baliw daw ako pinatulan ko. oo nga ata hehehe
pero di na tumatawa nanay ko ngayon, nasalisihan siya ni baliw kanina, habang binubuksan nya yung gate kase may dumating na magdedeliver ng goods, dumaan si baliw sa tindahan, ninenok yung isang buong lalagyan ng stick-o. naaninag niya pagbalik nya nakatakbo na. pinuntahan sa bahay ng tatay ko. di na siya nakita. nagtago malamang. yung stick-o's na lang nabawi. pero natatawa ako somehow. pero badtrip yung pamilya nya na hinahayaan siyang ganyan na gumala-gala at mamerwisyo. sila ang leche.
nawawala ang fruitcake cd ko!!! whaaaaahhhh.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home