Saturday, December 28, 2002

lss ko ngayon:
and it's all coming together
i'm having a great day...
no matter what they say

-- thanks to the moon's gravitational pull (?), new sandwich song


wagi! ang aking weekend. had our office outing last friday sa enchanted kingdom. had fun at the rides. badtrip lang na atat yung mga 2 oldies na sumakay ng rio grande, so nabasa kami kaagad. wahooo! space shuttle uli. pero pinakamasaya sa lahat yung picture-taking galore namin sa tagaytay (dun kami kasi nagdinner) ang kuleeeeeet! lalo na yung gumanti sa kupal na anak ng bossing namin yung isa kong officemate. pasimpleng tinadyakan nya yung medyo sprained na paa ni mini kups nung nagkakagulo kami kuno sa picture-taking. sweet. bwahahaha!!! saya! haven't laughed that hard for days now. kaya masaya na sumakit uli ang tiyan sa kakatawa. pansin ko lang, bakit ang daming naka-shala na damit sa enchanted yung iba todo make-up pa. hello? sasakay po kayo ng rides? at sobrang mainit. pagpapawisan ka, hahanginin ng todo ang buhok mo. bakit ka, mag-ruruffles, magmamalaking earrings at magtatakong? hazardous pa diba yun? di ko talaga ma-gets anong logic dun. pero oo nga pala: wala nga palang pakialaman. nakalimutan ko. titigil na ako. hahahaha!!!

last night was NU's yearly alternativity, sa zillion sa galleria this time. halos lahat andun. greetings galore. saya. sumama uli si mimi, hehehe. nahahawa at nawiwili na talaga siya. yey! hehehe...bumili pa siya ng boldstar album without me telling her. ayus! the best yung set ng sugar free aliw na aliw ako sa set-up nila nun. ewan ko ba. sumamang mag-acoustic guitar si justin at si jazz magkeyboards. the best yung christmas song nila "regalo" title. nakakaiyak yung melody.

nga pala would like to announce that isa nang ITAY SI MITCH! wahoooo!!! congrats sa kanila ni V :)

at isa nang full-pledge rakstar si owel!!! hahahahaha!!!

salamat sa gifts, justin and bodge at mikey at zarah :) hi kay candice at jal (told me last night they read my blog hehehe) at kay jas at anj na nameet ko last night :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home