ciudad : gimme a break
i hate mondays! puchaaaaaaaaa...late na nga ako for work, buwisit pa habang nasa bus ako tinext na ako ni bossing na galit at asan na daw ako? papasok daw ba ako? at madaming gagawin. pucha! i hate it na kailangan ko pang ipaalala sa kanya na 11am ang pasok ko kapag monday! at halfday lang ako! sya naman gumawa ng schedule ko eh. as if naman nakakapaghalfday talaga ako. tapos nung pasakay na ako jeep sa cubao, leche talaga, tumama sa akyatan ng jeep yung tuhod ko, masakit at ngayon namamaga siya at may malaking pasa na parang hinazing ako. buwisit talaga. ang dami pang ginawa sa office kanina santambak na paperworks. AT kinausap na kami ng pinaka-bossing namin na indeed, hanggang end ng december na lang kami at kailangan na talagang maghanap ng ibang trabaho at last payday na namin yung susunod na sweldo. ang saya-saya diba? hay buhay.
anyway ayoko ng magdrama dyan. pumunta akong Lolit Solid 1st Year Anniversary last night. ang saya! kahit maaga ako umuwi, napanood ko Sugar Free (yahooooooo!!! "kwentuhan" at puchang ang galing ng instrumental ending ng "Insomnya" astiggggggg ni Mitch sobra! gusto ko na talaga ng album), Boldstar (boom desire ah! ah! hehehe), Comets Tale (oks ng mga bago nilang kanta, ang saya nila mapanood uli!) tapos Mighty Man and Yuk, si-yet! sila talaga yung namiss ko ng mapanood ng live! and they played "first one to go" wahoooooooooooooooooooooo!!! tapos mas masaya din kase nakita at nakachikahan uli sina Shine at Zarah, miss ko na kase yung dalawang yun eh. hehehe. tapos nagtrade kami ni Kurt ng cd, pinalit niya sa burnt copy ko ng spring collection ng true love always eh yung tribute to weezer album, di ko pa alam though kung oks siya.
at isa pa nga pala, for the very first time, may christmas tree kami sa bahay!!??!!! tangina. nakakagulat. never pa kaming nagka-christmas tree sa bahay namin eh. as in N-E-V-E-R! laging hirit ng nanay at tatay ko: "eh meron namang christmas tree sa bahay ng lola nyo eh" na fyi eh kadikit ng bahay namin. di din kase sila mahilig sa mga dekorasyon eklat sa bahay. kaya nakakagulat. pero nakakatuwa ng sobra at matagal ko ng gusto magka-christmas tree sa bahay namin. hehehe. weirdo.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home